500 Ahon Mahirap Advocates sa Mabalacat, Pampanga!

500 Ahon Mahirap Advocates sa Mabalacat, Pampanga!
Tumatagingting na 500 AHON MAHIRAP MEMBERS ang sumalubong sa atin sa Brgy. Mabiga Mabalacat, Pampanga! Inaliw natin sila sa pamamagitan ng mga palaro na may nakaabang na surpresang papremyo. Namigay rin tayo ng libreng tanghalian para makabawi nang bahagya sa paglaan nila ng oras na iparamdam sa atin ang kanilang giliw.

 

Lubos na pasasalamat kina Mabalacat City Mayor CRISOSTOMO GARBO at Kapitan ELMER RIVERA CALAGUAS ng Brgy. MABIGA sa mainit na pagtanggap sa amin upang maipakilala namin ang aming organisasyon sa kanilang nasasakupan sa pangunguna ng ilan sa ating mga founder na sina Wilbert Tolentino at Pres. Kristine Caballero-Aplal.

 

Sa mga Kagawad ng MABIGA na sina Marco Punsalan, Alwin “wewe” del Cruz, Julius Garbo, Bong Layson, Roger “burger” Cruz, Annabelle Delos Reyes, Popoy Gomez, at SK Chairman Jaydee Layson, maraming salamat sa inyong suporta!

 

Sa Ahon Mahirap Officers and Advocates na patuloy na humahanap ng oras upang magsilbi, kayo ay mga biyayang-tunay!

 

Sama-Sama.
Tulong-Tulong.
Yakap Pangarap.
Ahon Mahirap!

.

Related Posts
Leave a Reply

Your email address will not be published.Required fields are marked *