Nag-umpisa ang parada sa ganap na 9AM mula 3S Center Ugong at natapos sa Sitero Francisco Memorial National High School. Habang nasa parada ay sinalubong tayo ng mga taga-Valenzuela ng kanilang masasayang pagkaway na may kasamang ngiti.
Kinahapunan nama’y naganap ang Gandang SiReyna ng Silangan 2024 at dito naipakilala natin si Ahon Mahirap sa pangunguna ni Ahon Mahirap VP for Planning Don Mcgyver Cochico na naghayag ng ating misyon at pasasalamat sa pagkakataong ibinigay sa atin upang ipresenta ang ating organisasyon.
Malaking pasasalamat para sa mga Ahon Mahirap Officers and Advocates na tumulong para maging posible ang pagbigay-suporta natin sa naturang event!
Sama-Sama.
Tulong-Tulong.
Yakap Pangarap.
Ahon Mahirap!
.