Ahon Mahirap Kick-Off Party sa District 2 PASIG!!

Ahon Mahirap Kick-Off Party sa District 2 PASIG!!
Libo-libong residente ng Brgy. ROSARIO ay nag-uumapaw sa saya nang dumayo ang AHON MAHIRAP sa kanilang lugar para, maliban sa masayang pa-games na may samu’t-saring papremyo, maipakilala nang husto ang ating organisasyon at mga layunin.

 

JAMPACKED ang venue dahil present ang ating founder na si WILBERT TOLENTINO, Ahon Mahirap National President KRISTINE APLAL, Campaign Manager GENESIS GALLIOS, at Pasig District 2 OFFICERS and COORDINATORS, upang magbigay-aliw at pasayahin ang mga taong naglaan ng oras para tayo ay makapiling!

 

Ang highlight ng event ay ang mga palarong may surpresang papremyo! Ni-launch na rin dito ang game show na kung tawagin ay AHON o KAHON, kung saan ay maaari kang manalo ng cash basta’t galingan lamang ang pagdedesisyon!

 

Dumagdag pa sa excitement ng mga tao ang presensya ni Ms. HERLENE NICOLE BUDOL na naghost din sa ating mga pa-GAMES!

 

Present din si Councilor JUN-JUN CONCEPCION upang makisaya sa programa!

 

Nagtapos ang event sa isang speech hatid ni WILBERT TOLENTINO kung saan ay nagkwento siya ng kanyang mga pinagdaanan sa buhay at kung paano itong nag-udyok sa kanya na itatag ang AHON MAHIRAP!

 

Sama-Sama.
Tulong-Tulong.
Yakap Pangarap.
Ahon Mahirap!

.

Related Posts
Leave a Reply

Your email address will not be published.Required fields are marked *