Patuloy ang ating pag-alalay sa pag-ahon sa pamamagitan ng Relief Operations sa mga lugar kung saan talagang ininda ng mga tao ang pinsala ng bahang dulot ng Bagyong Carina tulad na lamang ng JCross at Northville 4C sa Brgy. Lambakin, Marilao, Bulacan.
Magkakaiba man tayo ng bilis sa pagbangon mula sa pagkadapa, makakaasa kayong wala kaming pinipili sa pagtulong. Ibibigay ng Ahon Mahirap ang lahat sa abot ng makakaya ng ating organisasyon.
Maraming salamat sa ating Ahon Mahirap Advocates na kahit apektado rin ng sakuna ay napili pa ring unahing tulungan ang iba.
Sama-Sama.
Tulong-Tulong.
Yakap Pangarap.
Ahon Mahirap!