Nakiisa tayo sa Brigada Eskwela 2024 ng Lagro Elementary School sa pamamagitan ng pag-donate ng pintura na gagamitin sa mga dingding ng classroom bilang paghahanda sa pagbabalik-eskwela ng ating mga chikiting.
Ito ang ating munting aksyon upang ihayag ang ating suporta sa edukasyon dahil naniniwala tayong ang edukasyon ay isang hakbangin upang maibsan ang kahirapan!
Pinangunahan ito ng ating Ahon Mahirap National President Kristine Aplal at ng iba pang dedikadong Ahon Mahirap Advocates!
Sama-Sama.
Tulong-Tulong.
Yakap Pangarap.
Ahon Mahirap!