AHON Kalikasan sa Brgy. UP Campus!

AHON Kalikasan sa Brgy. UP Campus!

Nakiisa tayo sa naganap na Tree-Planting sa ikalawang Anibersaryo ng Green Thumb Urban Farming sa Brgy. UP Campus, Quezon City. Nakapagtanim tayo ng mahigit isandaang puno ng kalamansi, rambutan, at langka na ipinagkaloob ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Bukod sa pangkabuhayan ay pinahahalagahan din ng Ahon Mahirap ang kalikasan dahil ito ang pagmumulan ng masagana at ligtas na kinabukasan.

Nagpa-raffle din tayo sa ating mga ka-distrito bilang pasasalamat sa kanilang walang tigil na suporta sa ating mga proyekto.

Maraming salamat sa ating mga katuwang sa ganap na ito, Saludable Premium Barley, Max Maison Men, SOGO Hotel, at DENR. Sa ating Ahon Mahirap Advocates na patuloy na nagiging instrument upang maging biyaya para sa iba. Mabuhay kayo!

Ang pangangalaga sa kalikasan ay pangangalaga sa ating nag-iisang tahanan.

Sama-Sama.
Tulong-Tulong.
Yakap Pangarap.
Ahon Mahirap!

Related Posts
Leave a Reply

Your email address will not be published.Required fields are marked *