Blockbuster ang ating Ka-PARES Truck nang tayo ay pumarada sa Brgy. Bahay Toro sa Quezon City District 1! Hindi dama ang init dahil matiyaga at masayang pumila ang mga residente upang personal na matunghayan at matuklasan ang kalidad ng ating PARES na ipinamimigay lamang natin bilang alalay sa mga kababayan nating maralita.
Pero wala kaming pinipili dito ha! Kahit sino ay maaaring pumila, ikaw ma’y residente ng barangay o napadaan lang, ikaw ay mabibigyan hangga’t maubos ang kalde-kalderong pares na inihanda ng ating mga butihing Advocates. Sa pangunguna ito ng Quezon City District 1 Chapter President Marco Era at ng iba pang officers!
Ka-PARES sa Pag-AHON na walang kapares ang sarap!
Sama-Sama.
Tulong-Tulong.
Yakap Pangarap.
Ahon Mahirap!