Masaya tayong tinanggap ng bayan ng San Pedro, Laguna, at lubos ang kanilang suporta sa ating misyon. May mga programa silang nakahanda, ngunit kailangan pa ng dagdag na suporta, at dito handang tumulong ang Ahon Mahirap, lalo na’t para sa kapakanan ng masa.
Buong-puso silang nakinig sa ating mga speakers na nagbahagi ng kaalaman tungkol sa Financial Literacy at Livelihood Programs na inihahandog ng Ahon Mahirap.
Bilang pampasigla, nagsagawa tayo ng mga laro na may exciting na papremyo at nagpa-raffle para sa lahat ng dumalo.
Ito’y bahagi ng aming patuloy na pagsuporta sa Financial Literacy saan mang dako ng bansa!
Sama-Sama.
Tulong-Tulong.
Yakap Pangarap.
Ahon Mahirap!