Pusong Dumagat: Isang Pag-AHON sa Tanay, Rizal!

Pusong Dumagat: Isang Pag-AHON sa Tanay, Rizal!

Isang simpleng event, pero isa itong hakbang ng Ahon Mahirap tungo sa mas magandang bukas. Nagtipon-tipon ang mga kapatid natin sa Tanay, Rizal na karamihan ay miyembro ng Dumagat Tribe, kasama ang higit sa 1000 attendees, para ipakita na kapag nagkaisa tayo, kayang-kaya nating bumangon mula sa kahirapan.

Nagsimula kami sa meeting with Mayor Rafael A. Tanjuatco sa Tanay City Hall, kung saan mainit kaming tinanggap at nag-usap tungkol sa mga programa para sa komunidad. Pagkatapos, nagtungo kami sa Brgy. Cuyambay upang ipamahagi ang pagkain at magsagawa ng mga masayang raffle at games na simbolo lang ng mas malalim nating adhikain—ang maibsan ang gutom hindi lang sa tiyan, kundi pati na rin ang pagsubok na kakaharapin natin kinabukasan.

Dahil ang tunay na pag-ahon, hindi lang materyal; ito’y pag-aangat ng ating pagkatao at pagkakaisa.

Sama-sama nating harapin ang bawat hamon ng buhay—handa ang Ahon Mahirap na tumulong!

Sama-Sama.
Tulong-Tulong.
Yakap Pangarap.
Ahon Mahirap!

Related Posts
Leave a Reply

Your email address will not be published.Required fields are marked *