Kahapon ay isang makasaysayang araw para sa Ahon Mahirap Partylist! Opisyal nang naghain ng Certificate of Candidacy (COC) ang ating organisasyon, pinangunahan ng ating founder at first nominee, Wilbert Tolentino, kasama si Pateros Mayor Ike Ponce bilang second nominee. Kasama rin sina Secretary General Angelo Zipagan, Noel Escondo, at Mary Letim Ponce bilang bahagi ng ating mga nominado para sa darating na halalan.
Ang araw na ito ay hindi lamang tanda ng ating paghahain ng kandidatura, kundi ito rin ay simula ng mas malawak na pagkilos para sa ating layunin na maging tinig ng mga Pilipinong nangangailangan.
Maraming salamat sa lahat ng sumuporta at patuloy na sumusuporta mula pa noong 2016—maging bago pa tayo naging isang partylist, ang Ahon Mahirap ay naririto na upang tumulong.
Ito’y ating pasimula pa lamang. Tayo ay sama-samang aahon tungo sa mas maunlad at pantay-pantay na bukas para sa lahat.
Sama-Sama.
Tulong-Tulong.
Yakap Pangarap.
Ahon Mahirap!