Sa ika-18 anibersaryo ng KABAYAN Action Group, masayang nagsama-sama ang officers at members ng KAG at Ahon Mahirap sa pagbibigay ng grocery packs sa ating mga kababayan sa Quezon City District 5. Hindi lang ito isang selebrasyon; ito ay patunay na ang pagtulong at pagkakaisa ay nagbubukas ng pinto ng pagkakaisa.
Maraming salamat kay Chairman Jayson Galimba at sa mga bagong halal na opisyales ng KABAYAN Action Group, pati na rin kay Mrs. Josie Galimba, asawa ng yumaong tagapagtatag na si Atty. Renato Galimba, na patuloy na nagsusulong ng malasakit at tulong.
Sama-Sama.
Tulong-Tulong.
Yakap Pangarap.
Ahon Mahirap!