Bawat Hakbang, Karga ang Pag-asa: Tulong at Malasakit ng Ahon Mahirap sa Gitna ng Krisis

Bawat Hakbang, Karga ang Pag-asa: Tulong at Malasakit ng Ahon Mahirap sa Gitna ng Krisis

Simula pa kahapon, hindi tumigil ang mga Ahon Mahirap advocates at volunteers sa pagre-repack ng relief goods para sa mga kababayan nating naapektuhan ng #KristinePH.

Sa bawat kahon ng pagkain at tubig, dala namin ang malasakit at pag-asa na sana ay magbigay-ginhawa kahit sa munting paraan. Alam namin ang bigat ng inyong pinagdadaanan, kaya’t buong puso kaming naglalaan ng oras at lakas para maipadama ang suporta ng buong komunidad.

Hangga’t may nangangailangan, handa kaming magpatuloy, magpuyat, at magtulungan. Ang Ahon Mahirap ay narito—kakapit sa bawat pagsubok at kasama ninyo sa pag-ahon. Sama-sama tayong babangon para sa mas matatag na kinabukasan.

Sama-Sama.
Tulong-Tulong.
Yakap Pangarap.
Ahon Mahirap!

Related Posts
Leave a Reply

Your email address will not be published.Required fields are marked *