Sa bawat hirap at sakripisyo, naroon ang lakas ng isang single parent. Ngayong araw, nakasama namin ang grupo ng mga solo parents sa Bulacan—mga kwentong puno ng pag-asa, tapang, at pagmamahal. Isa sa mga nagsalita ang ating founder na si Wilbert Tolentino, na tulad nila, ay isang single parent din.
Ang kanyang mensahe? Hindi tayo nag-iisa. Sama-sama nating haharapin ang hamon ng buhay, bitbit ang paniniwalang kaya nating lahat umahon.
Sama-Sama.
Tulong-Tulong.
Yakap Pangarap.
Ahon Mahirap!