Narito ang ilan pang mga tagpo mula sa makabuluhang gawain ng Ahon Mahirap Partylist sa Abuyog, Leyte! Bawat ngiti ng ating mga kababayan ay patunay ng ating layunin—ang magbigay pag-asa, inspirasyon, at konkretong aksyon para sa mga nangangailangan.
Sa bawat hakbang, kasama ninyo kami sa pagkamit ng mas maliwanag na kinabukasan. Ang pagtitiwala at pagmamahal na iniaabot ninyo sa aming adhikain ang nagiging lakas upang patuloy naming maisakatuparan ang mga proyekto para sa mga komunidad.
Ang ating pagkakaisa ay nagbibigay-daan sa tunay na pagbabago. Sama-sama, tulong-tulong, yakapin natin ang mga pangarap. Dahil sa Ahon Mahirap Partylist, naniniwala kami na bawat Pilipino ay may karapatang umahon!
Sama-Sama.
Tulong-Tulong.
Yakap Pangarap.
Ahon Mahirap!