Isang komunidad sa Bulacan, na nasalanta rin ng Bagyong Carina ilang linggo na ang nakaraan, ang aming binisita upang makapag-abot ng tulong sa pamamagitan ng damit, pagkain, at higit sa lahat, VITAMINS. Layon ng Ahon Mahirap na palakasin ang ating immune system lalo na’t usong-uso ngayon ang mga sakit tulad ng ubo, sipon, at trangkaso.
Naniniwala kami na ang kalusugan ang tunay na kayamanan!
Nais naming pasalamatan ang ating Ahon Mahirap Advocates ng naturang lugar at sa lahat ng mga nag-donate sa amin ng damit at vitamins na ipinamahagi sa mga bata at mga senior citizen.
Sama-Sama.
Tulong-Tulong.
Yakap Pangarap.
Ahon Mahirap!