Binisita ng ating founder na si Wilbert Tolentino ang mga Ahon Mahirap Advocate ng Marikina Chapter. Ibinahagi niya na ang pagiging isang volunteer ng Ahon Mahirap ay isang Makabayan at Makataong aksyon dahil nagkakaroon tayo ng responsibilidad sa pagtulong sa mas nangangailangan.
Ang Marikina ay malapit sa puso ng Ahon Mahirap at isa sa mga bayang una nating inalalayan nang manalasa ang Bagyong Carina at nagdulot ng biglaang pagtaas ng tubig-baha.
Ang kaganapang ito ay ilan lamang sa mga hudyat na patuloy ang ating paglago dahil maraming tao ang nagpapakita ng suporta sa ating adhikain!
Sama-Sama.
Tulong-Tulong.
Yakap Pangarap.
Ahon Mahirap!