Malugod tayong tinanggap sa selebrasyon ng Founding Anniversary ng Brgy. Tatalon at napaunlakan tayong ipakilala ang ating organisasyon at ihayag ang ating mithiin sa mga dumalo dito na karamihan ay miyembro ng UNISCA. Nag-iwan tayo ng ngiti sa kanila sa pamamagitan ng munting regalo na siguradong kapaki-pakinabang sa kanila.
Sa Brgy. Roxas naman, marami pa rin ang patuloy na umaahon mula sa nagdaang baha kaya naman umalalay tayo sa pamamagitan ng pamamahagi ng bottled water at lutong ulam na labis namang ikinatuwa ng mga residente dahil nakabawas daw tayo sa kanilang gastusin sa araw na iyon.
Matapos man ang kalbaryo, tutulungan pa rin namin kayo!
Sama-Sama.
Tulong-Tulong.
Yakap Pangarap.
Ahon Mahirap!