Ang ating organisasyon, sa pamamagitan ng ating President, Kristine C. Aplal, at ng officers ng Ahon Mahirap District 5 Queson City, ay nagkaroon ng pagkakataong magpakilala sa NMAX Club United Philippines (NUCP) Riders 195th National Charity Convention. Malugod nila tayong tinanggap sa HB Park Bistekville 6 West Fairview kung saan ginanap ang naturang event.
Maraming salamat, NUCP, lalo na sa kanilang Founder Freddie Rayos, National President Dave Calixto Matro, Executive Vice- President Chris Sherwin Chua, at City Director of Team Kyusi Gabs San Gabriel, sa mainit na pagtanggap sa Ahon Mahirap. Nakatutuwang malaman na iisa ang ating hangaring mapabuti ang ating kapwa Pilipino.
DRIVE SAFE, mga ka-rider!
Sama-Sama.
Tulong-Tulong.
Yakap Pangarap.
Ahon Mahirap!