Dumayo ang ating founder na si Wilbert Tolentino sa SM City Marilao upang dumalo sa Marilao, Bulacan EXPO 2024 at magbigay ng pahayag at inspirasyon tungkol sa pagnenegosyo mula sa kanyang mga lifelong experiences. Naging pagkakataon na rin ito upang ipakilala ang itinatag niyang organisasyon, ang Ahon Mahirap, at kung ano ang pangunahing mithiin nito.
Ramdam ang suporta at excitement ng mga dumalo dahil kasama rin natin sina Madam Inutz, Herlene Budol, at Ms. Jelai Andres upang i-hype at pasiyahin ang mga manonood ng naturang event.
Lubos kaming nagpapasalamat sa pag-imbita ng Municipal of Marilao, Bulacan & Hon. Jun Bob J. Dela Cruz, Vice-Mayor ng Marilao Bulacan, sa pagkakataong ito na patunugin ang pangalan ng aming organisasyon.
Sama-Sama.
Tulong-Tulong.
Yakap Pangarap.
Ahon Mahirap!