Alalay sa Pag-Ahon: Brgy. 531 at Brgy. 527 Manila!

Alalay sa Pag-Ahon: Brgy. 531 at Brgy. 527 Manila!

Isang malaking sunog ang naganap sa Sampaloc, Manila District 4 kamakailan at 200 pamilya ang apektado sa trahedyang ito. Binisita natin sila upang iparamdam ang ating suporta sa kanilang pag-ahon mula sa dagok na kanilang kinakaharap. Nag-abot din tayo ng tulong sa pamamagitan ng relief packs pang-alalay sa kanila habang dahan-dahan silang bumabangon mula sa kanilang kalagayan.

Nais naming pasalamatan sina Punong-Barangay Mark Anthony B. Soniega ng Brgy. 527 at Josie C. Delada ng Brgy. 531 at ang kanilang buong Council.
Ang aksyong ito ay naging posible rin dahil sa ating Ahon Mahirap Advocates na pinangunahan ng District 4 Manila Chapter President Keene Ventura.

Sama-Sama.
Tulong-Tulong.
Yakap Pangarap.
Ahon Mahirap!

Related Posts
Leave a Reply

Your email address will not be published.Required fields are marked *