Isa ang Barangay Masambong sa Quezon City District 1 sa mga lumubog sa baha nang dumaan ang Bagyong Carina sa bansa. Humupa man ang baha ay naroon pa rin ang pinsalang dulot nito mula sa mga wasak na tirahan hanggang sa gabundok na basurang nagkalat sa kanilang lugar. Bilang alalay sa kanilang pag-ahon, nag-abot tayo ng relief goods sa mga residente nito.
Tandaan na hindi natatapos ang isang sakuna pagkatapos nitong magdaan. May epekto itong nagtatagal na nangangailangan ng pagkakaisa para makabangon ang bawat isa.
Sama-Sama.
Tulong-Tulong.
Yakap Pangarap.
Ahon Mahirap!