Tuloy-tuloy ang pamamahagi natin ng Ahon Bigas ngayong araw sa Brgy. 125, Balot Tondo, na apektado rin ng sunog kamakailan. Nais naming iparating sa aming mga kababayan na naririnig namin kayo, at kasangga ninyo kami sa laban na ito. Huwag kayong mag-alala, patuloy ang suporta at tulong para sa inyong lahat.
Sama-Sama.
Tulong-Tulong.
Yakap Pangarap.
Ahon Mahirap!