Pumarada ang ating Ka-PARES Truck Brgy. 310 Zone 31 Manila District 3 kasabay ng paggunita ng naturang barangay sa Nutrition Month.
Hindi na bago sa atin na dumugin at pilahan ang pares dahil sa kalidad na mayroon ito kahit na ito ay libre lamang na ipinamimigay!
Kaya’t labis ang pasasalamat natin kina Chairman Roland M. Gacula at sa lahat ng Kagawad ng Barangay na nanatili hanggang sa matapos ang ating programa.
Special mention din kina Secretary Jess Abejar, Treasurer Linda Cabural, sa mga Barangay Tanod, Barangay Staff, kay Crizaldo Paredes, at sa ating Ahon Mahirap Advocates sa pagkakaroon ng iisang mithiin na makapag-abot ng munting handog para sa mga residente ng nasabing barangay.
Tunay ngang buhay ang diwa ng Samahan at Pagtutulungan!
Sama-Sama.
Tulong-Tulong.
Yakap Pangarap.
Ahon Mahirap!