Nagkaroon tayo ng pagkakataong ipakilala ang AHON MAHIRAP sa mga Senior Citizens ng District V, Quezon City sa SM Novaliches, NDC Tennis Court Brgy. Sta Monica, Brgy. Greater Fairview Covered Court, at Brgy. Kaligayahan sa koordinasyon ng ating Ahon Mahirap QC District 5 TL Supervisors, Mary Aiza Jimenez at Cherry Bette Formilleza.
Ipinapaabot namin ang aming pasasalamat sa butihing alkalde ng Quezon City, Mayor Joy Belmonte, gayundin sa mga staff ng DSWD sa pagbibigay ng pagkakataong ito upang maiparating natin ang ating isinusulong na adbokasiya. Maraming salamat din kay Cong. PM Vargas sa pagpapaunlak na makausap ng ating Ahon Mahirap National President, Kristine Caballero Aplal. Asahan po ninyong iisa ang ating layunin na lalong mapabuti ang inyong mga nasasakupan sa District V, Quezon City.
Malaking pasasalamat para sa Ahon Mahirap QC District 5 officers na pinangunahan ni VP Bel Cadavez, sa mga volunteers na nakilahok, sa BINGO BURGER at Tatay Daniel na nag-sponsor naman ng snacks at lunch ng ating mga butihing AHON MAHIRAP ADVOCATES.
Sama-Sama.
Tulong-Tulong.
Yakap Pangarap.
Ahon Mahirap!
.