Napaindak ang mga taga-Pateros ng nag-iisang Zumba Queen, Ms. REGINE TOLENTINO, sa event na ito na inorganisa ng PATEROS NUTRITION COMMITTEE with the support of Ahon Mahirap at ng isa sa ating founder, Wilbert Tolentino. Ito ay kasabay ng pagdiriwang ng NUTRITION MONTH na naglalayong i-promote ang pagkakaroon ng HEALTHY LIFESTYLE ‘di lamang sa pamamagitan ng pagkain, kundi pati na rin sa pag-ehersisyo.
Malaking pasasalamat para kay Mayor MIGUEL “IKE” PONCE III, dating Vice-Mayor at ngayo’y Municipal Administrator GERALD GERMAN, at lahat ng opisyales ng Pateros sa mainit na pagtanggap sa amin sa bayan ng IsangPateros!
…at sa Ahon Mahirap ADVOCATES na walang tigil sa pagsuporta sa ating misyon!
Sama-Sama.
Tulong-Tulong.
Yakap Pangarap.
Ahon Mahirap!
.