Nag-uumapaw ang pasasalamat namin sa lahat ng tumulong sa Grand Launching at Proclamation ng Ahon Mahirap Partylist at GoGo Pateros! Ang tagumpay ng event na ito ay bunga ng sama-samang pagsisikap ng ating founder na si Wilbert Tolentino, Mayor Atty. Miguel “Ike” Ponce III, Admin Gerald German ng Good Governance, mga konsehal, Ahon Mahirap nominees, officers, at advocates.
Isang espesyal na pasasalamat din sa mga artist na nagbigay-aliw at saya sa ating programa: Herlene Hipon Budol, Katrina Halili P, Sugar Mercado, Jelai Andres, Buboy Villar, Jayson Gainza, Madam inutz, Mary Letim, at Jeff Moses.
Sama-sama tayong yumakap sa ating mga pangarap at ipaglaban ang makatarungan at mas mabuting pamamahala. Ipagpatuloy ang suporta sa ating layunin—tayo ay magkaisa para sa pag-unlad ng bawat Pilipino!
Sama-Sama.
Tulong-Tulong.
Yakap Pangarap.
Ahon Mahirap!