Umuusbong at mas lalo pang nakikilala ang ating organisasyon sa Quezon City District 2 dahil sa patuloy na pagkilos ng ating Ahon Mahirap Advocates sa kani-kanilang mga lugar.
Tumaas ang bilang ng suporta at tiwalang natatanggap natin kada araw na dumaraan sa iba’t ibang barangay kabilang na rito ang Brgy. Payatas at Brgy. Bagong Silangan at patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng mga taong nagpapakita ng interes na maging ka-isa ng ating organisasyon.
Sa Brgy. Batasan Hills naman, patuloy ang Zumba sessions na bukas para sa lahat ng edad upang i-ahon ang estado ng kalusugan ng bawat sasali!
Sama-Sama.
Tulong-Tulong.
Yakap Pangarap.
Ahon Mahirap!