Tuloy-tuloy ang ating pagkilos para sa ating mga Ka-Ahon! Ngayon, andito ang Ka-Pares Sa Pag-Ahon truck sa Guadalcanal, Barangay 597, handang maghatid ng libreng tanghalian at malasakit para sa ating komunidad.
Ang bawat pares na iniaabot ay hindi lang pagkain, ito ay simbolo ng pagkakaisa at pagtutulungan. Kasama ang bawat isa sa inyong suporta, unti-unti nating naitatayo ang pundasyon ng mas makataong kinabukasan.
Sama-Sama.
Tulong-Tulong.
Yakap Pangarap.
Ahon Mahirap!